The ramblings of a self-proclaimed call center veteran - on surviving the Philippine Call Center industry.

Monday, December 06, 2010

HILARIOUS TIPS


All credit goes to Nluciano 94 for this hilarious post.

Original link can be found at one of the best pinoy callcenter sites out there: http://www.pinoycallcenter.com

Source:http://www.pinoycallcenter.com/forums/viewtopic.php?f=18&t=2931

Call Center Survival!

1. Matulog at least six hours (pangarap ng karamihan).
2. Huwag magbabad sa internet.
3. Huwag makipagrelasyon tapos kapag split na, magre-resign na.
4. Konting contentment lang. Hindi yung kapag nabalitaan na may magandang bigay sa iba lipat agad.
5. Kumain ng maayos. Hindi puro yosi at kape lang. Wag din puro donut at hotdog.
6. Vitamins at tubig.
7. Maayos na jacket at yung paminsan-minsan nakakatikim ng laba.
8. Toothbrush, toothpaste, mouthwash.
9. Spill-proof mug
10. Mabilis na daliri para pindutin ang mute. Hindi po release.
11. Maayos na pakikitungo sa immediate supervisor. Siyempre pati sa mga ka-team.
12. Kung bawal ang cellphone sa floor sumunod na lang sa patakaran. Maghintay na lang ng break. Or gamitin ang restroom break (kung meron).
13. Gamitin LAHAT ng breaks. Wag magpaka-martir.
14. Wag magpa- NCNS. (no Call no Show/AWOL)
15. Kung absent at nag call-in ka at sinabi mo na may sakit ka tapos hindi pala. Huwag mag-post sa social networking sites. Sabihan din ang ibang taong kasama mo na wag ka i-tag.
16. Mag-ingat sa mandurukot. Pati na rin sa stalker.
17. Huwag sigawan ang caller. Professionalism ehem.
18. Huwag kalimutan ang ID at access card. Hassle kapag naiwanan sa bahay. Sayang kapag nawala.
19. Makipag-kaibigan sa 'real people'.
20. Marami pa sana kaso inaantok na ko. Last tip muna - Sandamakmak na pasensiya lalo na sa mga hindi nagbabasang callers.

1 comment:

  1. many can benefit from your blog. it helps if most were in English too, like this one!:)

    ReplyDelete